
Release date: 09.11.2014
Song language: Tagalog
Magda(original) |
Magdalena, ano’ng problema |
Bakit ‘di ka makawala sa kadena? |
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
Na hanap buhay mo ngayon |
Magdalena, ano’ng problema |
Alam naman natin na dati kang nena |
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
Ano’ng nangyari sa’yo? |
Ito’y kwento ng isang babaeng |
Tulog sa umaga, gising sa gabi |
Ang kanyang mukha’y puno ng kolorete |
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi |
Simulan na natin ang istorya |
Ako’y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan |
Kwentong dapat ‘nyong malaman, ‘wag nang magbulag bulagan |
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba? |
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda? |
Na aking kababata mula pa ng pagkabata |
Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa |
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid |
At pag siya’y dumadaan mga leeg ay pumipilipit |
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga |
Tuwing kausap ko na malimit akong tulala |
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara |
Ang bibig at pintig ng puso sa kanya |
At sa sayawan matapos kaming makapagtapos |
Dahil pinawis ang mukha ako’y nagpunas ng pulbos |
Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila |
Pinakilala niya lalaki na taga Maynila |
Magdalena ano’ng problema |
Bakit ‘di ka makawala sa kadena? |
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
Na hanap buhay mo ngayon |
Magdalena ano’ng problema |
Alam naman natin na dati kang nena |
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
Ano’ng nangyari sa’yo? |
Maraming taon ako’y nalipasan, pinilit ko mang takasan |
Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan |
‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba |
Minamahal ko s’ya, hahanapin ko si Magda |
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan |
Sa lugar na ang sabi’y kanyang pinagtatrabahuhan |
Nakita ko’ng larawan niya na nakadikit sa pintuan |
Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan |
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti |
At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili |
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim |
Madaming lamesa’t mga nag-iinumang lasing |
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta |
Sa maliit na entablado ay nakita ko na |
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot: |
Bakit s’ya sumasayaw na sapatos lang ang suot? |
Ito’y kwento ng isang babaeng |
Tulog sa umaga, gising sa gabi |
Ang kanyang mukha’y puno ng kolorete |
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi |
Ituloy natin ang istorya |
Agad siyang sumama sa’kin walang kakabakaba |
Ang trato niya sa’kin ay nobyo tila katakataka |
Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. |
Mesa |
Parang ako’y bida sa mga sumunod na eksena |
Kung ito ay panaginip ayoko nang magising |
Ngunit ako’y nanaginip umaga na nang magising |
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag |
Liham para sa’kin na isinulat niya magdamag |
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin |
‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin |
Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo’y malalim |
‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising |
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay |
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay |
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko |
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko |
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino |
‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko |
Imbis na ako’y sagipin itinulak sa bangin |
Ito pala’ng ibig sabihin ng kapit sa patalim |
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin |
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin |
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng |
Alam ang amoy ng laway ng iba’t-ibang lalaki |
Isa lang ang kaya kong sayo’y maipagmalaki: |
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi |
Gusto ko mang manatili sa’yong mga yakap |
Ako may natutuwa dahil ako’y iyong nahanap |
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat |
At ang katulad ko sa’yo ay ‘di karapat-dapat |
Pinangarap kong sa altar ako’y iyong ihatid |
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko’y namanhid |
‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik |
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik |
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala |
Salamat sa ala-ala |
Nagmamahal, Magda |
Magdalena, ano’ng problema |
Bakit ‘di ka makawala sa kadena? |
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
Na hanap buhay mo ngayon |
Magdalena, ano’ng problema |
Alam naman natin na dati kang nena |
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
Ano’ng nangyari sa’yo? |
Ito’y kwento ng isang babae |
(translation) |
Magdalena, what's the matter |
Why can’t you get out of the chain? |
And at night you are in the cell |
That you find life now |
Magdalena, what's the matter |
We know you used to be a grandmother |
And to your father you are a princess |
What happened to you? |
This is the story of a woman |
Sleep in the morning, awake at night |
Her face is full of lipstick |
In the place where the light is off |
Let's start the story |
I am his best friend, my name is Ernesto |
This is a story you should know, don't go blind |
Why do we want to know the stench of others? |
I'll give you, do you know Magda? |
That has been my childhood since childhood |
We always put together paper boats on the creek |
His smile shines around |
And when he passes by, his necks twist |
It was so beautiful when she was a teenager |
Every time I talk to him I am often an idiot |
Even with a feeling I was forced to close |
The mouth and heartbeat in him |
And to the dancing after we graduated |
Because my face was sweaty, I wiped the powder off |
Even seemingly unequal is hurriedly pulled |
He introduced a man from Manila |
Magdalena what's the matter |
Why can’t you get out of the chain? |
And at night you are in the cell |
That you find life now |
Magdalena what's the matter |
We know you used to be a grandmother |
And to your father you are a princess |
What happened to you? |
Many years passed, even though I tried to run away |
But I knew what I really needed |
‘I can’t turn my gaze away from others |
I love her, I will look for Magda |
Exit while praying to be overtaken |
In the place where he is said to work |
I saw a picture of him on the door |
Even if the hair color is different, I will never forget it |
Her eyes and the sweetness of her smile |
And because it was so much fun, he didn't hesitate |
Immediately enter the room but why is it dark |
Lots of tables and drunkards |
When suddenly there was applause there was a slow song |
On the small stage I saw that |
I wondered, asked, scratched: |
Why is she dancing in her shoes? |
This is the story of a woman |
Sleep in the morning, awake at night |
Her face is full of lipstick |
In the place where the light is off |
Let's continue the story |
He came with me right away without any worries |
Her treatment of me as a boyfriend seems strange |
Get off the taxi-ng pinara in Sta. |
Mesa |
I feel like a star in the following scenes |
If it's a dream I don't want to wake up |
But I had a dream when I woke up in the morning |
All I could reach was an envelope on the floor |
A letter to me that he wrote overnight |
Even though the mind was a mess I forced myself to read |
‘I will never forget what he told me |
Dear Ernesto, I know you sleep soundly |
‘I didn’t say goodbye’ we didn’t wake up |
Thank you for your welcome |
And on the worst night of my life |
When I left our village I thought |
A true love I will find |
Searched where and to whom |
‘I didn’t think this was my destiny |
Instead of rescuing me, I was pushed into the abyss |
This is what the knife holder means |
If smelly soap, if itchy cure |
If you don't feel bad, look away |
Even I was paid and dragged |
Know the smell of saliva of different men |
There is only one thing I can be proud of: |
You are the only one I kiss on the lips |
I want to stay in your arms |
I'm glad you found me |
I don't think a broom can clean up the mess |
And someone like you is unworthy |
I dreamed that you would take me to the altar |
But with the amount of bitterness, my heart went numb |
‘I will never forget your kiss |
But please don't come back |
It is God's gift to know you |
Thanks for the memory |
Loving, Magda |
Magdalena, what's the matter |
Why can’t you get out of the chain? |
And at night you are in the cell |
That you find life now |
Magdalena, what's the matter |
We know you used to be a grandmother |
And to your father you are a princess |
What happened to you? |
This is the story of a woman |
Name | Year |
---|---|
Pulubi ft. Lirah | 2019 |
Sino Ka Ngayon? ft. Jkris | 2021 |
Buhay | 2021 |
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 |
Alitaptap | 2021 |
Macho Rap ft. Lirah | 2020 |
Para Sa Bayan ft. Lirah Bermudez | 2019 |
Luma | 2021 |
Sana | 2021 |
Bahay Ni Gloc-9 | 2020 |
Dungaw ft. Keiko Necesario | 2019 |
Bintana | 2019 |
KKK (Kanya Kanyang Kayod) ft. Zjay, DJ Klumcee, Miguelito Malakas | 2019 |
Oka ft. Loir | 2021 |
Sanib ft. Loir | 2021 |
ALAM MO NA | 2023 |
Maulit Man | 2021 |
Otochun ft. Geo Ong | 2020 |
Dito Sa Barangay 143 ft. Maya | 2019 |
Langit Lupa | 2021 |