Song information On this page you can find the lyrics of the song Alitaptap, artist - Gloc-9
Date of issue: 18.02.2021
Song language: Tagalog
Alitaptap |
Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y |
'Sing liwanag ng araw (napakalinaw, napakainit) |
Pag-ibig na sumpaan natin |
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako’y nahilig) |
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi) |
Mga akala kong akin (komportable sa miserable) |
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin |
Ika’y mistulang alitaptap |
Ilan na’ng mga ginawa ko para sa iyo (tangan ko) |
Pati sila, kasi walang iba (lahat ng 'yong) |
Akong inisip kundi ang iyong kapakanan (pangako mag-) |
Mabusog ka lamang kahit tiyan ko ay kumakalam (mula pa no’ng) |
Sinong may alam ng totoo? (Tayo ay) |
Lahat kayo, pwera lang ako (nangako sa) |
Nalilito sa balatkayo (isa't isa) |
Balahibo ko nakatayo (magsasama) |
'Di ko inakala na (ngunit nag laho) |
Kung sino pa ang siyang nagsasalba (ang mga kulay) |
Ng wala nang ilalim na alkansya |
Nakahandang ibigay ang lahat ng kanya (alay mo sa’king bulaklak) |
Tama ba na umasa pa? |
Kung ako’y naging babae, nagahasa na (ako na lang ba ang magpapatunay) |
Parang mga paborito kong kanta |
Pero ayaw kong mangyari sa isang banda (habang ang luha’y pumapatak?) |
Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y |
'Singliwanag ng araw (napakalinaw, napakainit) |
Pag-ibig na sumpaan natin |
Hinding-hindi magmamayaw (ako'y nasilaw, ako’y nahilig) |
Bakit pagsapit ng dilim (marami sa akin ang hindi sinasabi) |
Mga akala kong akin (komportable sa miserable) |
Kahit na pilit kang abutin, sa 'king paningin |
Ika’y mistulang alitaptap |
Kinakausap pero 'di mo na ako tinitingnan |
Hingi ka nang hingi kahit palagi kang binibigyan |
Mga masasayang araw na aking tinatandaan |
Kapag tinatanong ay 'di mo na alam kung kailan |
Kapag ako ay lumalapit, lagi kang lumalayo |
Hinihigpitan ko ang kapit kahit na puro dugo |
Sa aking palad, parang mga bubog na buo-buo |
Tuwing ika’y aking hahalikan, ika’y yumuyuko |
Ako na lang ba ang siyang may buhat sa ating dalawa |
Minsan tinatanong aking sarili kung kaya ko pa |
Ngayon, ika’y nasa tabi, tapos biglang mawawala |
Ikaw ay mistulong alitaptap sa 'king mga mata |
Ang pagtingin mo sa 'kin dati’y |
'Singliwanag ng araw (napakalinaw, napakainit) |
Pag-ibig na sumpaan natin |
Hinding-hindi magmamayaw (bakit nasilaw? Bakit nahilig?) |
Ako’y lakad nang lakad nang lakad nang lakad (bakit pagsapit ng dilim) |
Tuyo sa kalsada, sa baha nakababad (mga akala kong akin) |
Mga paa’t kamay ko ang siyang nagbayad |
Parang may makalawang na lagaring nakasayad |
Gumagalaw kapag sinasabi kong mahal kita (kahit na pilit kang abutin) |
Ako daw lamang naman at wala nang iba (sa 'king paningin) |
Eh ikaw, kaya mo bang buhatin ang dala? |
Pabigat nang pabigat, nahahalata ko na (ika'y mistulang alitaptap) |

Yeah, yeah, yeah, yeah |
Yeah, yeah, yeah |