Lyrics ALAM MO NA - Gloc-9

ALAM MO NA - Gloc-9
Song information On this page you can find the lyrics of the song ALAM MO NA, artist - Gloc-9
Date of issue: 19.10.2023
Song language: Tagalog

ALAM MO NA

Anong pwede kong sabihin
Sa dami ng gusto akong patigilin
Nag aabang na matalisod
Di kayang pigilin
Mga itinanim gustong makatikim kahit hindi naman sila ang nag paka itim
Kung di mo diniin tumabi tabi ka rin mahirap humanap kaibigang di ka tataluhin
Sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila kung tanghali kang gumising ay pumila ka
Hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin na matulog ng dilat ang mata sa
dilim
Dahil ang pahingay para lang sa mga talunan
Mga nauuna lamang ang gustong maabutan
Mga nasa huli
Inggit ay binalutan
Mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan
Ng regalo para ba makaakbay sayo
Aapiran ka kunwari magkasabay kayo
Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin
Kahit di naman kayo
Kaya halika na sa byahe
Huwag ka nang umarte
Heto na ang guro mo
Sige upo sa klase
Lagi kang tingala pero paatras ang diskarte
Matutong yumuko sa lupa para umabante
Di to tulad ng dati
Laging hindi kasali
Sahod ay di na bali
Ang konti ay dumami
Batikang medyo dyahe
May paninda palagi
Hindi na uubusan
Tubo na walang lyabe
Pag kumamada pantay ang salang walang sablay
Parang pamadang pinalitada at sinuklay
Pasok ang bara di sumasala
Tuwing uunday
Palaging kara itong kartada walang humpay
Walang humpay na parang trapik dito sa pinas
Kaylan magiging isang hugas lamang ang bigas
Punong hitik na iilan lang ang pumipitas
At ganon talaga ang laging sagot na likas
Parang Papaya wag wag kang madaya ang magparaya
Syang dapat na hinog at laging pinapaubaya
Sa may kaylangan
At naharangan ay makalaya
Marami na ang syang namatay sa maling akala
At bago ko pa tapusin ang tula kong ito
Hayaan munang kayong lahat ay awitan ko
Ng isang tono na nong napanaginipan ko
Pinilit ko na matandaan at masulat to
Diba ikaw yung makata
Na kumakamada
Ibat ibang letra
Na ibinebenta

Song tags: #ALAM MO BA


Share lyrics:

Write what you think about the lyrics!

Other songs of the artist:

NameYear
Buhay 2021
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone 2020
Alitaptap 2021
Luma 2021
Sana 2021
Bahay Ni Gloc-9 2020
Oka ft. Loir 2021
Sanib ft. Loir 2021
Maulit Man 2021
Otochun ft. Geo Ong 2020
Dito Sa Barangay 143 ft. Maya 2019
Langit Lupa 2021
All School 2020
Pag Nagising Ako 2021
Tindero 2021
Sa 'kin 'Yan ft. Honcho 2021
Sampaguita ft. Gloc-9 2020
Excuse Me Po 2006
Saranggola 2021
Limang Kanta Lang 2006