
Date of issue: 08.10.2020
Song language: Tagalog
Tanan |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Bakit hindi |
Mo ako hinintay |
Kailangang ibigay |
Ko ang aking kamay |
Sa taong hindi |
Ko naman minahal |
Ngunit di nag tagal |
Kami ay kinasal |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Alam kong hindi boto sakin ang iyong mga magulang |
Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang |
Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang |
Sasahod nako sa lunes kaya puwede nang mangutang |
Pero kahit langit kat lupa ako alam mo |
Ngayon lamang ako nag lakas loob ng ganito |
Lalo na nung naramdaman kong may pag asa ako |
Pakiramdam ko ay kayang kaya kong buhatin ang mundo |
Ayun na nga pinayagan mo akong sunduin kita |
Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila |
Kitang kita ko ang aking saya sayong mga mata |
Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba |
Tuwang tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin |
Kahit na sa mumurahin ay sabay tayong kumakain |
Akoy nag papasalamat kahit na di madasalin |
Pero bakit nag iba yata ang ihip ng hangin |
Hanggang isang araw parang iniiwasan mo ako |
Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo |
Ilang linggo ang lumipas |
Nagbakasali ako |
Buti nalamang at sinagot mo na rin ang tawag ko |
Bakit ka umiiyak ano bang dahilan |
Parang awa mo na Susan sabihin mo naman |
Narito ko para sayo kahit na ano pa yan pero |
Di ko inasahan ang kanyang naging kasagutan |
Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba may hihilingin ako sayo sana ay |
pumayag ka |
Bago mag simbang gabi dun sa lumang talipapa sasama na ako sayo basta |
hihintayin kita |
Dali dali akong umuwi hinakot ang damit |
Dalawang maong limang kamiseta kaso isay punit |
Ngunit ang mundoy sadya nga yatang napaka lupit |
Dahil kaming dalaway di na magkikita pa ulit |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Bakit hindi |
Mo ako hinintay |
Kailangang ibigay |
Ko ang aking kamay |
Sa taong hindi |
Ko naman minahal |
Ngunit di nag tagal |
Kami ay kinasal |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Patawarin mo ako kung nag hintay ka ng matagal |
Inabot ka na ng lamig ngipin moy nangatal |
Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal yan ang sakit pag tinalikuran ka |
ng iyong Mahal |
Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman maayos ang iyong buhay at inyong |
kinalalagyan |
Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak may laruan |
Hindi ko kayang ibigay |
Ang ganyang karangyaan |
Ang meron lamang ako dito ay pag ibig na tunay |
Babantayan ka habang ikay nag gagayat ng gulay |
Suot ang bigay kong duster |
Luma nat kupas ang kulay |
Ng telang kasing lambot ng buhok mo na naka lugay |
Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin |
Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin |
Parang isda na bilasa sa palengke mumurahin |
Doon ka nya hinahambing |
Tuwing ikay naglalambing |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Bakit hindi |
Mo ako hinintay |
Kailangang ibigay |
Ko ang aking kamay |
Sa taong hindi |
Ko naman minahal |
Ngunit di nag tagal |
Kami ay kinasal |
Bakit hindi |
Ka naman dumating |
Sinadyang biguin |
Mo ang aking hiling |
Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito |
Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko |
Nong gabing magkikita tayo |
Papunta na ako |
Kaso dinukot ako ng mga tao ng Ama mo |
Ginapos akot itinago sa tambakan ng gulong |
Pinag hatian ang baon nating bibingkat puto bungbong |
May piring aking mata |
Nang marinig ko ang bulong |
Isang malakas na putok ang sa ulo koy dumagundong |
Tumatagas ang alaala kinaladkad sa Paa |
May isa tiningnan pa kung di nako humihinga |
Puwing na lupa at bato sa aking mga mata |
Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba |
Lagi mo akong kasama masaya narin ako |
Na may isang natupad sa mga kahilingan ko |
Marahil ay nag tataka bakit alam ko lahat to |
Ang bangkay koy nakalibing sa ilalim ng bahay nyo |
Name | Year |
---|---|
Buhay | 2021 |
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 |
Alitaptap | 2021 |
Luma | 2021 |
Sana | 2021 |
Bahay Ni Gloc-9 | 2020 |
Oka ft. Loir | 2021 |
Sanib ft. Loir | 2021 |
ALAM MO NA | 2023 |
Maulit Man | 2021 |
Otochun ft. Geo Ong | 2020 |
Dito Sa Barangay 143 ft. Maya | 2019 |
Langit Lupa | 2021 |
All School | 2020 |
Pag Nagising Ako | 2021 |
Tindero | 2021 |
Sa 'kin 'Yan ft. Honcho | 2021 |
Sampaguita ft. Gloc-9 | 2020 |
Excuse Me Po | 2006 |
Saranggola | 2021 |