Song information On this page you can find the lyrics of the song Walang Hanggan, artist - Quest
Date of issue: 19.05.2016
Song language: Tagalog
Walang Hanggan |
Gulong-gulo ang puso |
Saan ba 'to patungo? |
'Di ko alam |
'Di ko alam |
Hinarap lahat ng balakid |
Pero bakit walang kapit |
Ang mga pangakong binitawan? |
'Di ko alam |
'Di ko alam |
Nung ika’y nilalamig, ako’y iyong init |
Kapag takot sa bukas, akong unang sisilip |
Ginawa ko nang lahat |
Hindi pa rin sapat kasi ika’y mawawala na |
Nawalan ng gana ang tadhana |
Nanlalamig 'yong dating nagbabaga |
Kung maibabalik lang sana |
Titiisin ko na kahit paulit-ulit |
Tapos pipilitin ko na 'di maulit |
Ang masulyapan mo 'yung dulo |
Akala ko walang hanggan pero may dulo |
Bawat segundo sa aking puso i-uukit |
Lahat ng ala-ala aking iguguhit |
Para makalimutan mong may dulo |
Ang sabi mo walang hanggan |
Pero eto tayo sa dulo |
Kailan ka ba napaso? |
Nanlalamig na ang 'yong braso |
Bakit ganyan? |
Bakit ganyan? |
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit |
Saan galing ang galit? Mayroon bang nang-aakit? |
Kailangan ko lang malinawan |
Bakit ganyan? |
Bakit ganyan? |
Handang panindigan lahat ng ating plano |
Sigurado kahit 'di kabisado |
Gagawin ko ang lahat |
Walang pake kung 'di sapat |
Kasi ika’y mawawala na |
Nawalan ng gana ang tadhana |
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga |
Kung maibabalik lang sana |
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit |
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit |
Baka masulyapan mo 'yung dulo |
Kasi sabi mo walang hanggan, ba’t merong dulo? |
Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit |
Bawat pagkakataon ay aking isusulit |
Basta matalikuran mo 'yung dulo |
Ang sabi mo walang hanggan |
Ba’t nandito tayo sa dulo? |
Oh-oh, ohhh sa dulo |
Oh-oh, ohhh |
'Wag ka munang tumalikod |
Bumalik ka muna dito |
Padampi kahit anino |
Ayokong mag-isa dito |
Wala na bang bisa aking dalangin? |
Tinataboy na ba ng langit? |
Nakikiusap na lang sa hangin |
Ngayon wala ka na sa akin ohh |
Bakit ba biglang meron tayong dulo? |
Pangako mo walang hanggan |
Bakit nandiyan ka sa dulo? |
Pwede bang kalimutan mong may dulo? |
Handa 'ko sa walang hanggan |
Pangako mo walang hanggan |
Akala ko walang hanggan |
Pero eto tayo sa dulo |
Kung ika’y mawawala sa aking piling |
Dinggin mo ang aking bilin |
Lingon ka lang paminsan-minsan |
Dito lang ako |
'Di ako lilisan |
Sa ating dulo, 'di ako lilisan |