Song information On this page you can find the lyrics of the song Tibay, artist - Quest
Date of issue: 15.09.2016
Song language: Tagalog
Tibay |
Isang daang milyong pusong dumadagundong |
Hindi na mapipigilan, pakinggan ang ugong |
Sa dami ng pinagdaanan, nandito pa rin lumalaban |
Mga ngiti, iyan ang katibayan, tibay ng bayan |
Panibagong simula, di na kailangan ng himala |
Mala-kongkretong paninindigan |
Diyos ang sandigan, kapit kaibigan |
Para sa karangalan, pamilya’t bayan |
Buong pusong lalaban |
Abutin ang ginto, atin ang mundo |
Para sa kadakilaan, kalayaan |
Walang atrasan, sige lang, laban |
Ibahin mo ako, Pilipino ako |
Pilipino ako |
Palaban, hindi umuurong, matatag kahit walang tulog |
Pasan man ang buong mundo, di paaawat, hindi susuko |
Sa dilim hindi natatakot, sa lungkot di nagpababalot |
Dama sa pamilya ang pag-asa, hingang malalim, tara |
Sabayan mo ang dagundong |
Pasigaw man o pabulong |
Basta lahat tayo pasulong |
Basta iisa lang ang tunog |
Para sa karangalan, pamilya’t bayan |
Buong pusong lalaban |
Abutin ang ginto, atin ang mundo |
Para sa kadakilaan, kalayaan |
Walang atrasan, sige lang, laban |
Ibahin mo ako, Pilipino ako |
Pilipino ako |
I am the champion, do things that can’t be done |
This is a revolution, gonna prove my critics wrong |
When I get my energy, my nation cheering for me |
You witness celebration, bayanihan’s what I see |
Ready to win, ready to soar |
Ready to conquer, ready for more |
Now is the time for the whole world to hear us roar |
Walang urungan, lahat tulungan |
Walang maiiwan, tayo ka na diyan! |
Start, fight, lose, learn |
Win, celebrate, repeat! |
Para sa karangalan, pamilya’t bayan |
Buong pusong lalaban |
Abutin ang ginto, atin ang mundo |
Para sa kadakilaan, kalayaan |
Walang atrasan, sige lang, laban |
Ibahin mo ako (ibahin mo ako) |
Pilipino ako (Pilipino ako) |
Para sa karangalan, pamilya’t bayan |
Buong pusong lalaban |
Abutin ang ginto, atin ang mundo |
Para sa kadakilaan, kalayaan |
Walang atrasan, sige lang, laban |
Ibahin mo ako, Pilipino ako |
Pilipino ako! |