| Batang-bata ka pa at marami ka pang |
| Kailangang malaman at intindihin sa mundo |
| Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan |
| Yan ang totoo |
| Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay |
| Ay isang mumunting paraiso lamang |
| Batang-bata ka lang at akala mo na na alam |
| Mo na ang lahat ng kailangan mong malaman |
| Buhay ay di ganyan |
| Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw |
| Ay isang musmos lang na wala pang alam |
| Makinig ka na lang makinig ka na lang |
| Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan |
| Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman |
| Makinig ka sa’king payo pagkat musmos ka lamang |
| At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian |
| Batang-bata ako nalalaman ko 'to |
| Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan |
| Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan |
| Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang |
| Kahit bata pa man kahit bata pa man |
| Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan |
| Sariling pagraranas ang aking pamamagitan |
| Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay |
| Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata |
| Batang-bata ka pa at marami ka pang |
| Kailangang malaman at intindihin sa mundo |
| (Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan) |
| Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo |
| Na ang lahat ng kailangan mong malaman |
| (Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan) |
| Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay |
| Ay isang mumunting paraiso lamang |
| (Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan) |
| Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay |
| Ay isang mumunting paraiso lamang |
| (Nais ko sanang malaman) |
| Batang-bata ka pa… |