| Narito ako sa isang lugar |
| Na hindi 'ko maintindihan |
| Nakikipagsapalaran sa buhay |
| Na ang hantungan ay kawalan |
| De numero ang galaw ng tao |
| Bawat gawin ay may presyo |
| Oh, narito ako sa isang lugar |
| Na hindi ko maintindihan |
| Daing ng tao’y 'di pinapansin |
| Nililipad ng hangin |
| Pagkain sa araw-araw hindi malaman |
| Pa’no pagkakasyahin |
| Lalong yumayaman kapag mayaman |
| Lalong naghihirap kapag mahirap |
| Oh, narito ako sa isang lugar |
| Na hindi ko maintindihan |
| Walang ginagawa |
| Ang mga walang awa |
| Walang nagagawa kahit pa |
| Ngumawa, magmakaawa |
| Bumaha ng mga luha--- haaa! |
| Bumaha ng mga luha--- haaa! |
| Narito ako sa isang lugar |
| Ng mga taong tumatakas |
| Naghahanap ng swerte sa iba |
| Dahil dito’y wala ng bukas |
| Kakarampot na sasahurin |
| Sa sobrang mahal ng mga bilihin |
| Oh, narito ako sa isang lugar |
| Na hindi ko maintindihan |
| (Repeat I) |
| De numero ang galaw ng tao |
| Bawat gawin ay may presyo |
| Oh narito ako, oh narito |
| Oh narito ako bakit ganito! |
| Oh narito ako sa isang lugar |
| Na hindi ko maintindihan |