| Gagawin ko ang lahat upang |
| Sa huli sa huli sa huli ay tayo |
| Kung kailangan kong tahakin ang |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Ohh hoh… |
| Bakit nga ba itong agwat natin |
| Pinipilit palawakin |
| Pero habang merong bumabalakid |
| Ang pag-ibig lumalalim |
| Tila tala sa tala ang layo |
| At 'di ka na matanaw |
| Pero 'pag humahaba ay lalo |
| Kitang sinisigaw |
| Maging ang laot walang takot na tatawirin |
| Kahit alon ay umabot sa papawirin |
| Sa’n man dako’y pinangakong makakarating |
| Ikaw lang ay makapiling |
| Gagawin ko ang lahat upang |
| Sa huli sa huli sa huli ay tayo |
| Kung kailangan kong tahakin ang |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooaaah |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooooaaah |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Sumasalungat ba’ng daigdig |
| At tayo’y 'di magkasalubong |
| Oh, dapat na ba 'kong makinig |
| Magpadala na sa daluyong |
| Inanod, inagos, at halos |
| Hindi ka na matanaw |
| Pagtapos mabalot ng galos |
| Sigaw pa rin ay ikaw |
| Maging ang laot walang takot na tatawirin |
| Kahit alon ay umabot sa papawirin |
| Saan man dako’y |
| Pinangakong makakarating |
| Ikaw lang ay makapiling |
| Gagawin ko ang lahat upang |
| Sa huli sa huli sa huli ay tayo |
| Kung kailangan kong tahakin ang |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooaaah |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooaaah |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Maging ang laot walang takot na tatawirin |
| Kahit alon ay umabot sa papawirin |
| Sa’n man dako’y pinangakong makakarating |
| Ikaw lang ay makapiling |
| Gagawin ko ang lahat upang |
| Sa huli sa huli sa huli ay tayo |
| Kung kailangan kong tahakin ang |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooaaah |
| Kilome-kilome-kilometrong layo |
| Woooaaah |
| Kilometrong layo |