 Song information  On this page you can read the lyrics of the song Dito Sa Maynila , by - Loonie.
 Song information  On this page you can read the lyrics of the song Dito Sa Maynila , by - Loonie. Release date: 22.08.2020
Age restrictions: 18+
Song language: Tagalog
 Song information  On this page you can read the lyrics of the song Dito Sa Maynila , by - Loonie.
 Song information  On this page you can read the lyrics of the song Dito Sa Maynila , by - Loonie. | Dito Sa Maynila | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Dito sa Maynila nakikipagsagupaan | 
| Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila | 
| Kailangang magtrabaho, kailangan din sumuyod | 
| Di iindahin dere-deretso pa rin hanggang mapagod | 
| Pagka’t kailangan may mauwi na grasya | 
| Pero konting ingat didistansya sa disgrasya | 
| Maraming bagay na di-inaasahan | 
| Sa Maynila akin na tong napatunayan | 
| May magandang pangyayari’t merong malungkot | 
| Magmasid-masid para malaman ang sagot | 
| Sa mga katanungang namuo sayong isipan | 
| Simula’t sapul na mulat ka sa kaMaynilaan | 
| Kailangang pag-aralan, mamuhay at umasta | 
| Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay di basta-basta | 
| Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin | 
| ALINYAM ang Maynila kung babaliktarin | 
| Di ko namalayan na umaga na pala | 
| At namumula pa ang mga mata | 
| Anak bangon na may pasok ka | 
| Anong oras na? Alais Sais pasado na | 
| Isang araw nanaman ng pakikipag sapalaran | 
| Ng mga paang nakikipag-apakan, | 
| Nakikipag-patintero, nakikipag-unahan | 
| Sa masasakyang jeep na magdaraan | 
| Badtrip! Bakit laging traffic? | 
| Bakit ganito naging kulay abo ang langit? | 
| Nakakabinging ingay sa lungsod | 
| Sa sobrang siksikan di ka maka-usog | 
| Binunggo mo na nga ako, ikaw pa ang galit | 
| Di kita inaano, wag ka makulit | 
| Para makatakas sa siyudad na kay lupit | 
| Sisindi nalang ako hanggang sa mapapikit | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Oh mahal kong Maynila! Anong tunay na mukha? | 
| Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka | 
| Sadyang kami ay dukha o napabilang lang kami | 
| Nagtatrabaho ng umaga, maghapon hanggang gabi | 
| Makadiskarte lang, kahit na kung minsan ay pagod | 
| Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod | 
| Sunod sa agos, nagbabakasakaling makaraos | 
| Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos | 
| Merong sugat sa kamay, dulot ng paghihintay | 
| Na ibigay ang huling pamana sakin ni inay | 
| Pero di madaling mabuhay sa hingi-hingi | 
| Sa dami mong sinusubuan, di mo na magawa pang ngumiti | 
| Kahit matutulog kana sa isip mo biglang sasagi | 
| Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari | 
| Ng bahay, kaya kumilos hanggang may buhay | 
| Kung sitwasyong ganyan palagi, di ka ba masasanay? | 
| J-Skeelz ang makatang bente sais anyos | 
| Mahusay, malupit naman, kaso di rin nakatapos | 
| Ng pag-aaral, kinapos si tatay at si nanay | 
| Dito sa barangay puro tambay dun ako sinanay | 
| Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay | 
| Wala kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay | 
| Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay | 
| Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay | 
| Kung pupwede nga lang tumakbo kong president | 
| Dito sa Maynila may milyon-milyong residente | 
| Kalyeng takaw aksidente nagkalat sa Maynila | 
| Mandurukot pag nandukot may asar pa sabay dila | 
| Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot | 
| Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot | 
| Pero pipiliin ko parin dito na manirahan | 
| Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagkaperahan | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Halikana’t sumugod sa karagatan | 
| Ng alikabok at usok, nalalampasan | 
| Ang kahit anong pagsubok, humawak ka lang | 
| Higpitan mo lang ang kapit, tibayan mo lang | 
| Wag na wag kang mangangawit | 
| Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay, | 
| Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay | 
| Kailangang kumilos, kailangang kumita | 
| Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila | 
| Walang kape sa mesa | 
| Walang kapera-pera | 
| Paggantong taghirap dapat wala ng teka teka | 
| Teka teka teka muna sadali | 
| Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali | 
| Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio | 
| Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo | 
| Tapos yung preno mahina, yung makina maingay | 
| Sa Metro Manila talagang matira matibay | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina | 
| Name | Year | 
|---|---|
| Amago | 2023 | 
| Kapayapaan ft. KV | 2023 | 
| Salamat Po ft. Rhyne | 2023 | 
| Meron Pa ft. KV | 2023 | 
| Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 | 
| Pamanggulo | 2023 | 
| XXXX | 2023 | 
| Eroplanong Papel ft. Smugglaz | 2023 | 
| Tugmang Preso | 2023 | 
| 3 Blind Mics ft. God's Will, Ron Henley | 2020 | 
| Tao Lang ft. Quest | 2012 | 
| Senyor | 2023 | 
| XXX ft. Hi-C | 2020 | 
| Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley | 2020 | 
| The Bobo Song | 2020 | 
| Wag Ka Magdroga! | 2020 | 
| F with This G | 2020 | 
| Meron Na | 2023 | 
| Walang Babala | 2020 | 
| Balewala | 2019 |