Lyrics Bago Ang Lahat - Loonie, Ron Henley, Kat Alano

Bago Ang Lahat - Loonie, Ron Henley, Kat Alano
Song information On this page you can find the lyrics of the song Bago Ang Lahat, artist - Loonie.
Date of issue: 31.12.2012
Song language: Tagalog

Bago Ang Lahat

Ang Haba ng tulog ko masyadong masarap,
Daig ko pa ang batang bagong panganak
Ni hindi ko nga alam kung paano naganap
Paggising ko bigla nalang nag bago ang lahat
Yung Taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro
Tapos halos dose pesos bawat kilometro
Siguradong mababadtrip dito si Rizal,
Barya nalang ang sampung puso, literal!
Boksingerong kongresista, pwede na!
Palakasan sa pulitika, etcetera
Hindi na uso ang silya elektrika,
Tapos si Rustom Padilla may dede na!
Tigok na si Saddamm, patay na si Osama.
Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa
Halalan sa Amerika, nanalo si Obama
Puti na ang pisara, bagong simula na!
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na,
Lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao
Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura
Ganun pa rin ang bakod bago lang ang pintura.
Mailaw na lansangang, bagong gimikan,
Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang
Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri
Sa pader, kung san nagpapataasan ng ihi,
Panay bagong mukha ang nasa gitna,
Dating salimpusa naging aso bigla
Nawala na yung dating mga kasama ko lagi,
Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari
Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali,
Nagbago ang galawan nawala lang yung hari
Ang daang baku-bko sana maging semento,
At ang daang liku-liko sana maging derecho
Pilit kong inisip ano nga bang nag-iba?
Sino nga bang nagbago, ako ba o sila?
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nag bago na,
Lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao
Taong dalawang libo’t labing dal’wa,
Habang tumatagal ang mundo nag-iiba
Walang permanente kundi ang pagbabago,
Dating luntian, unti-unti nang naglalaho
Tubig sa ilog pasig pwedeng inumin dati
Tinitingnan ka ng mata ng Illuminati
Salamat kay Allah, meron ng DVD copy
Napipirata nila pati Issey Miyake
Para sa’n pa ang TV, kung meron ng PC
Aanhin pa ang encyclo kung meron ng wiki
Buong mundo nasa dulo ng daliri mo
Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo
May bago kang phone ano ang gagawin mo?
Kung may lumalabas na masbago kada lingo
Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo
Baka di mo nalang mamalayan biglang mamatay ang katabi mo
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na,
Lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao

Share lyrics:

Write what you think about the lyrics!

Other songs of the artist:

NameYear
Amago 2023
Kapayapaan ft. KV 2023
Salamat Po ft. Rhyne 2023
Meron Pa ft. KV 2023
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone 2020
Pamanggulo 2023
XXXX 2023
Eroplanong Papel ft. Smugglaz 2023
Tugmang Preso 2023
3 Blind Mics ft. God's Will, Ron Henley 2020
Tao Lang ft. Quest 2012
Senyor 2023
XXX ft. Hi-C 2020
Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley 2020
The Bobo Song 2020
Wag Ka Magdroga! 2020
F with This G 2020
Meron Na 2023
Walang Babala 2020
Balewala 2019

Artist lyrics: Loonie