Song information On this page you can find the lyrics of the song Bente, artist - UMPH
Date of issue: 17.09.2015
Song language: Tagalog
Bente(original) |
Si Berto ay kabataang kasama |
Lumaking katu-katulong ng amang magsasaka |
Sa pagpapabunga ng lupang ‘di kanila |
Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita |
Kaya matapos ang pangatlong bagyo |
Matapos mamatay kanyang amang byudo |
Pagka’t panginoo’y walang sinasanto |
Sa pagbubuwis, sya’y lumayas |
Sya’y nagpasyang lumikas sa Maynila |
Pag-aangat ng kabuhayan ang adhika |
Handang makipagsapalaran sa syudad |
Kung san umano mas may oportunidad |
Kaya’t isang tahimik na gabi ng Disyembre |
Baon ay isang kabang bigas at bente |
Sya’y nag-jeep, handa nang maglaboy |
Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Bhoy |
Si Bhoy ay tsuper ng jeep |
Nakikipasada lang kaya graveyard shift |
Baon sa mataas na boundary at gasolina |
Kapag walang mahiram na jeep wala syang kita |
Kaya ngayong pagkagipit nya ay sumaklap |
Pampakain pampaaral sa walong anak |
Pambuhay sa pamilya, pangkotong sa parak |
Kaysa raw magnakaw, sya’y bumatak |
Sya’y namasada nang dalawang araw |
Tuloy-tuloy, walang antok na dumalaw |
Sinaid ang lakas ng katawan |
Para lang masulit nahiram na sasakyan |
Biglang umatake pagod nya sa byahe |
Pagsakay ni Berto, agad umabante |
Tinanggap ang bayad, paningin ay hazy |
Tinitigan ang bente, isinukli kay Baby |
Si Baby ay sales lady |
High heels, low pay, eight hours daily |
Kontraktwal, kada anim na buwan |
Mangangaso na naman ng mapapasukan |
Ngayon kabuwanan na ng kanyang kontrata |
At ng kanyang pagdadalang-bata |
Wala pa namang katuwang na asawa |
Kaya’t lumuluha syang pumara |
Sya ay nagtapos ng IT |
Pagkakaron ng akmang trabaho pala’y unlikely |
Nabuntis nang wala sa plano |
Kaya nagtiis sa ibang trabaho |
Ngayon pauwi sa may eskinita |
Sya’y naglalakad nang biglang hinila |
Punyal sa leeg, bantang sasaksakin |
Dinukot nya ang bente, isinuko kay Ben |
Si Ben ay batang maralita |
Tubong komunidad na takda nang magiba |
Sa hirap ng buhay ‘di nakapag-aral |
Sa murang edad sya ay nangalakal |
Ngunit nang magkasakit batang kapatid |
Ultimo pangkain ay ‘di na maitawid |
Hindi patas ang buhay, kanyang nabatid |
Kaya’t sa patalim, sya’y kumapit |
Sya ay nangholdap gabi-gabi |
Mabilis ang pera at malaki-laki |
Isinusugal ang buhay at kalayaan |
Para lang sa kapatid na inaalagaan |
Pagkakuha nya sa buntis ng bente |
Sya’y tumakbo deretso sa palengke |
Bumili ng bigas, humingi ng diskwento |
Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Berto |
(translation) |
Berto is a young fellow |
He grew up as a farmer father's helper |
By making the land that is not theirs fertile |
With the amount of rent there is almost nothing left over from the income |
So after the third storm |
After his widower father died |
Because lord, no one is holy |
Upon taxation, he ran away |
He decided to flee to Manila |
Raising livelihoods is the aspiration |
Ready to venture into the city |
Where there is more opportunity |
So it was a quiet December night |
Baon is a bag of rice and twenty |
He got into a jeep, ready to wander |
He stole the twenty, paid it to Bhoy |
Bhoy is a jeep driver |
It's just passing by, so it's graveyard shift |
High boundary and fuel pocket |
When there is no jeep to borrow he has no income |
So now that he's stressed, it's going to happen |
School meals for eight children |
Livelihood for the family, sustenance for the farm |
It is said that rather than stealing, he ran away |
He was there for two days |
Constantly, sleeplessly visiting |
Strengthen the body |
Just to make the most of a borrowed car |
He was suddenly tired from the trip |
When Berto got on board, immediately advanced |
Payment accepted, vision is hazy |
Staring at twenty, turned to Baby |
Baby is a sales lady |
High heels, low pay, eight hours daily |
Contractual, every six months |
Hunting again for a job |
Now it's the end of his contract |
And of his childhood |
No partner yet |
So he stopped crying |
He graduated from IT |
Finding a suitable job is unlikely |
Got pregnant without the plan |
So put up with another job |
Now go home to the alley |
He was walking when he was suddenly pulled |
Dagger in the neck, threatening to stab |
He snatched the twenty, handed it to Ben |
Ben is a poor boy |
Native community that is destined to change |
In the hardships of life not being educated |
At a young age he was a trader |
But when my younger brother got sick |
Ultimo food is unforgivable |
Life is not fair, he realized |
So with the blade, he held on |
He snuck in every night |
The money is fast and big |
Gambling life and liberty |
Only for the sibling being cared for |
After getting pregnant at twenty |
He ran straight to the market |
Buy rice, ask for a discount |
He stole the twenty, paid it to Berto |