| Ang Iyong Paalam |
|---|
| Larawan mo sa 'king kamay |
| Puno ng pag-asa |
| May pangakong inaalay |
| Pangakong babalik ka |
| Ngunit sa bawa’t gabi |
| Hindi mapalagay |
| Dahil may nagsasabing |
| Wala na ang tulay |
| Ngayon, sa t’wing sumisigaw |
| Pusong giniginaw |
| Iyo bang nadarama? |
| At kung ika’y mawawala |
| Makakaya ko ba |
| Ang 'yong paalam, ang 'yong paalam |
| Bakit ba nagpakita ka |
| Para maglaho lang? |
| Magparamdam ka naman |
| Kahit na sandali lang |
| Ikaw ang hangin at ulan |
| Ikaw ang buhay ko |
| Kung ika’y mawawalay |
| Paano na ako? |
| Ngayon, sa t’wing sumisigaw |
| Pusong giniginaw |
| Iyo bang nadarama? |
| At kung ika’y mawawala |
| Makakaya ko ba |
| Ang 'yong paalam, ang 'yong paalam |
| Larawan mo sa 'king kamay |
