| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Tinatanong ko ang sarili ba’t bigla kang nawala |
| Ano bang nangyari ba’t sumama sa iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Pumikit lang sandali pag dilat ko wala ka na |
| Ba’t di ka na kontento ba’t humanap ng iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Luhaang mga mata namamaga’t namumula |
| Katawan nanglalata halos di na makahinga |
| Tatlong daan at animnapu’t limang araw |
| Puso’y sugatan parang gusto ko nang pumanaw |
| Walang ibang inisip kundi ikaw ikaw |
| At walang ibang bukang bibig kundi ikaw ikaw |
| Gusto ko malimutan natin mga ala-ala |
| Ngunit sating dipikit ay aking naaalala |
| Puso ay hiwa sa pag-ibig ay kulong, |
| Katauhan ay nasira at sa droga’y nalulong |
| Ganyan ang sinapit ko buhat nung mawala |
| Ka sabi mo di iiwan pero ba’t ngayon wala ka |
| Di ko to isinulat dahil nag mamakaawa |
| Tapos na ang lahat wala na akong magagawa |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Tinatanong ko ang sarili ba’t bigla kang nawala |
| Ano bang nangyari ba’t sumama sa iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Pumikit lang sandali pag dilat ko wala ka na |
| Ba’t di ka na kontento ba’t humanap ng iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Luhaang mga mata namamaga’t namumula |
| Katawan nanglalata halos di na makahinga |
| Ngayon ay nagising sa maitim ko na bangungot |
| At kung babalik ka pa, sayo ayoko nang mahulog |
| Dahil nga natutunan ko nang tanggapin |
| Na ikaw at ako’y di para sa isa’t isa |
| Kung pipilitin ko lalo lang masasaktan |
| At kung pipihitin ko baka hindi na mabuksan |
| Takip ng aking puso na sobrang higpit na |
| Takot na kong umibig dahil sobrang lupit |
| Ng nakaraan hanggang ngayon di malimutan |
| Minsan sumasagi-sagi sa aking isipan solusyon bang kitilin |
| Kitilin ang buhay na bigay ng Maykapal pasensya na aking Ama |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Tinatanong ko ang sarili ba’t bigla kang nawala |
| Ano ba ang nangyari ba’t sumama sa iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Pumikit lang sandali pag dilat ko wala ka na |
| Ba’t di ka na kontento ba’t humanap ng iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Luhaang mga mata namamaga’t namumula |
| Katawan nanglalata halos di na makahinga |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Tinatanong ko ang sarili ba’t bigla kang nawala |
| Ano bang nangyari ba’t sumama sa iba |
| Tulala sa dilim at iniisip ka |
| Pumikit lang sandali pag dilat ko wala ka na |
| Ba’t di ka na kontento ba’t humanap ng iba |
| Tulala sa dilim |